Shut Up

Sa maraming pagkakataon mas pinipili ko ang manahimik, ang hindi ang magsalita. Sa mga pagkakataong pwede akong magbigay ng katuwiran at magpaliwanag, mas pipiliin ko ang sarilinin ang aking pananaw. Hindi sa wala akong masabi, o wala akong katuwiran pero sa aking palagay hindi lahat ng tao ay deserving karapatdapat sa mga sasabihin ko. Mas madalas, naiisip ko sakin na lang yung naiisip ko, sayang lang pagod ko kung pipilitin kong ipaintindi sa kanya ang katuwiran ko kung gayung alam ko na naman na hindi nya ako iintindihin o maiintindihan.

Minsan yung boss ko, kadalasan meron siyang sasabihin sakin at sa bawat pagkakataong ganun, mayroon akong naiisip na isasagot sa kanya o paliwanag baga pero sa halos lahat ng pagkakataong ganun, pinipili ko ang hindi magsalita at mangatuwiran at bagkos ay sumangayun at tapusin na ang diskusyun. Pero, sa mga pagkakataong ginagawa ko ang manahimik at piliin ang hindi sumagot, mas pakiramdamdam ko ay nagiging managanda and resulta at higit na katahimikan ng loob ang nadarama ko. Pakiramdam ko sa bawat pagkakataong ganun, vindicated ako.

Madalas ding isipin ng madami na ako ay suplado o ako ay mayabang dahil hindi ako madalas na umimik at madalas ay nagmamasid lang. Ganoon din, parang ang aking katahimikan ay isang sagradong lugar na kung saan ako lang at ang mga bagay na gusto ko lang ang nandoon. Paraiso, ika nga.

Marahil hindi mo maiintindihan kung ano ang tinutukoy ko pero siguro darating ka din sa puntong masasabing “ah, this is what he’s talking about“.

*sarap magsulat sa tagalog* 😛

Advertisements

One Response to “Shut Up”

  1. rhiashiela Says:

    agree! better to be silent. it works for me. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: